7.2.09

Sa mga Mavericks,

Ilang oras na lang at babalik na din tayo sa ating pinanggalingan. Labag man sa ating kalooban ay wala naman tayong magagawa tungkol dito. Kahit ano pa man ang sabihin ng hinayupak na management of HR ay susundin natin sila ngunit ang trabaho natin ay hindi natin gusto. Half-hearted ika nga ang magiging trabaho natin simula ngayong lunes, mas gugustuhin ata nila na ang empleyado ay nagtratrabaho ng labag sa kagustuhan at wala sa rurok ng kanyang potensyal kesa sa isang empleyadong inspirado, palaging isangdaang porsyento ang binibigay.

Sa maikling panahon na tayo ay nagkasama-sama ay masasabi ko na naging isang pamilya tayo. Merong intriga, bangayan at tampuhan ngunit ito ay normal lamang sa isang pamilya. Kinumpleto niyo ang aking mundo sa pamamalahi ko sa sms. Ngayong DA na naman ako, nasa mundo nanaman ako ng walang pakialaman, ni hindi ko kakilala ang iba kong mga kateam dati pati mga katabi kong cubicle ay mga aliens. Hahay buhay nga naman.

Siguro hanggang dito na muna, intayin ninyo bukas ang isa ko pang post (wala kasi word pad dito o notepad man kaya).

P.S
Tang-ina niy0 accounting naging DA na ako muli, hindi niyo pa binabalik ang discerpancies ninyo sa akin! Isususmpa ko kayo hanggang sa kailaliman ng impyerno!

BeBe PaoPao
(Currently on 3rd base, last inning - sarap talagang umuwi!)

No comments:

Post a Comment