3.2.09

Mi Amor (My Love) by BeBe P.

Ilang tulog nalang at Araw ng mga Puso nanaman. Marahil karamihan sa mga tao ngayon ay nagiipon na ng pera pambili ng bulaklak, tsokolate at manyika para ibigay sa kanilang minamahal. Meron din iba na nagtitipid ng baon, pamasahe at sweldo para makapasok sa mga lihim lugar tulad ng Sogo, Mariposa, Victoria Court at El Cielito kasama ng kanilang iniirog. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng Pebrero 14?
Maraming nagsasabi na sa araw na ito ang dalawa (o higit pa) na mga puso ay nagsasama (pati ang mga katawan eh nagdudugtong-dugtong) ngunit ang hindi nila alam eh maraming puso din ang nadudurog, nawawasak at nagkapira-piraso. Ilang lovesong na at My Way ang kinanta upang ipaalam sa lahat ang kanilang nararamdaman, ilang Durex, Frenzy, Trust na ang napunit at napuno, at ilang pamilya na din ang nabuo at nawasak dahil sa araw na ito ngunit wala pa ring kadala-dala ang mga tao.
Kailangan ba ng isang Pebrero 14 para ipaalam sa iyong irog na siya ay iyong iniibig? Kelangan ba ng okasyon para pumunta sa motel para magusap ng masinsinan? Hindi di ba? Sabi nga sa Ingles eh "Everyday is Valentine's Day."
Seks nga lang ba ang habol ng mga tao sa araw na iyon? para sa mga malilibog eh marahil ay oo pero karamihan naman siguro ay pagmamahal talaga ang hinahabol, ang seks ay isang insentibo na lang. magmumukha akong isang ipokrito pagsinabi ko na ako mismo ay naiiba at hindi ko iniisip ang ganitong mga bagay, lalake din ako merong mga pangangailangan, mga pagnanasa ngunit alam ko kung paano ko ilagay ang aking sarili at maging isang kapitapitagang Pilipinong hinahanggaan ng karamihan. Kuntento na ako sa aking buhay, kung ang iba ay MILF, tama na sa akin ang lolita. Ika nga ay "To each his own." hindi ba?
Pero sa lahat ng okasyon meron talagang eksepsyon. Ang Pebrero 14 ay tinuturing din na araw para maging ganap na lalake. Heto ang isang halimbawa: Si LA lopez ay isang lalake na hayok na hayok sa seks. Sa edad niyang dalawampung taon eh maituturing pa niya ang kanyang sarili bilang isang birhen. Maliban sa makailang-ulit na pagmamariyang palad sa araw-araw o ang mga basang kutson at kobre kama sa umaga ay hindi pa niya natitikman ang rurok ng kaligayahan... ang kalangitan.
Marami naman siyang babaeng pinagpapantasyahan kabilang na si Ms. Competence (sino ba ang hindi, sa ganda ng hubog ng katawan, korte ng puwet, haba ng paa, at maladiyosang kagandahan), Ms. Tagaytay (ang balita ay isa na siyang ganap na ina ngunit hindi halata o sadyang walang pakialam ang kalalakihan sa isyung iyon) at libo-libong mga artista at modelo na ibinabandera sa telebisyon, magasin, at tabloid (lalo na sa Remate, Tiktik, Abante, Bandera, Police Blotter..). Lahat ng iyon ay nananatiling isang panaginip o illusyon para sa lahat kaya napagpasyahan ng kanyang mga kaibigan, kakilala at ang mga medyo nag-aalala sa kanya na tulungan siyang makajackpot.
Sa kanyang kaso, hindi madali ang maghanap ng babae na papayag na samahan siya sa kalangitan, napagtatanto ng ng iba na kumuha na lang ng bayaran para wala nang pinoproblema ngunit meron din naman na tumututol dito. Kailangan daw na gawin niya iyon sa kanyang minamahal. Isa daw iyong ekspresyon ng pagmamahal at ang seks daw ay sagrado at banal.
Si LA ay isang lalake na punong-puno ng enerhiya sa katawan na kahit ilang beses mag mariang palad sa isang araw eh parang hindi nauubusan ng lakas. tayo dito, usap duon, kain dito, daldal naman sa kabilang kanto kaya nagtataka na lang ang iba na sa sobrang dami ng pinaggagawa ng batang ito sa kanyang buhay eh hindi pa siya hinihimatay o hinihingal man lang. Ilang beses na siyang napagalitan at napagsabihan dahil sa kanyang kakulitan, kapilyuhan at kalibugan kaya sa ayaw niya at sa gusto niya ay gagawa na ng paraan ang kanyang mga katrabaho lalung-lalo na ang kanyang maestrong si Senyor G.
At sa nalalapit na Pebrero 14 ay malaki ang tsansang magaganap na ang sa panaginip at pantasya lang naiisip ni LA na mangyayari, ang tanung na lang ay kung kanino pero si Maestro na ang bahala sa detalyeng iyon. At sa katapusan ng artikulong ito ay iniiwanan ko kayo ng isang awitin ng Air Supply, sa mga pusong sawi pasensya na at sa mga umiibig magpasalamat kayo. Hanggang sa muli, paalam.

Lonely is the Night
Really thought that I could live without youReally thought that I could make it on my ownSent you away yeah I said I didnt need youI let you go I let you go I let you goNow Im so lost without youNow youre not here and now I know
(chorus)Lonely is the night when Im not with youLonely is the night aint no light shining throughTill youre in my arms till youre here by my sideLonely am i
Never thought that I that I would need youNever thought that I that Id be missing youGotta get you backI just got to find a way nowTo let you know to let you know to let you knowThat Im so lost without youAnd now this world it aint just right
(repeat chorus)
I can make it through the dayI can fake it okayI just smile and pretendAnd I tell myself Ill be alright
But lonely is the nightLonely is the night.

No comments:

Post a Comment