Musta na ang Valemtayms? Marami nanamang tao ang napaligaya (at narating ang langit) dahil sa araw na ito. Mr. M, balita ko ay meron kang inalayan ng rosas (at pag-ibig) ng araw na ito, totoo ba? So ano ang nangyari? Magkwento ka naman. Share! Share! Share! Si Katie naman eh biglang naging pambato sa American Idol. Me fan base ka na dito sa exile island, di ka na talaga maabot. Sayang nga lang sana nandun si Competence para narinig man lang sana niya ang iyong puso umaawit. Stacy's mom.... (name at cp number daw nung cutie na kasama mo sa stage sabi ni ____)
Roses, roses, roses haaay masarap ung feeling na makita mo ang iyong iniirog na hawak-hawak niya ang mga bulaklak (lalo na siguro kung nakatanggap siya ng bulaklak na hindi niya alam kung kanino galing, ang nakalagay lang ay isang titik P). Dahil dun, isang linggo ako todo budget, bakit pa kasi sobrang mahal ng bulaklak sa araw na iyon (ang tanga-tanga mo kasi Bebe, merong 364 days eh bakit sa araw na iyon mo pa napiling bumili ng mga rosas) Aba malay ko ba na merong isang naglalako ng tinapay na me toppings (pizza hut) ang magkakainteres din sa prinsesa ko. Nalingat lang ako sandali eh yun na aabutan ko. Masakit pala makita din na merong nagbigay ng nagiisang pulang rosas sa babaeng minamahal mo (ayan napilitan tuloy si Bebe gumastos ng 500 Php para sa rosas at mga abubut). Bukod sa gastos, biglang umandar ang utak ko sa lahat ng planong pede kong gawin para pantayan o mahigitan man lang ang ginawa ng kumag na iyon. Bakit pa kasi 4am pa siya dadating nung araw na iyon, bat 5am pa ang start ng shift nya, bakit pa siya nagpumilit na lumipat ng pizza hut, WHY?????? Yan ang mga tanong na pilit kong sinagot sa buong maghapon habang naghahanap ng chemist in staffordhire, flowershop in oundle at kung anu-ano pa. Buti na lang pumasa ako sa QA kung hindi patay, double black eye.
Heto meron akong tanong sa inyo, paano mo ba liligawan ang isang kaibigan? Ayoko ko kasing isugal ang pagkakaibigan para sa pagkaka-ibigan. Nung huling ginawa ko ito eh olats, walang nagyari (naging friend with benefit nga lang pero yoko na ng ganun).
Nagbabago na nga ako ng pakonti-konti eh (900mb na ang free space sa isa kong memory stick, 500mb dun sa isa, at 1gb dun sa isa pa, less 700mb ang laman ng phone ko, at kung anu-ano pang bagay ang ginagawa ko para magbagong buhay. yan ang nagagawa ng pag-ibig (lintik ang mga collection kong iniingat-ingatan eh poof! it became koko crunch...) meron pa akong 2 cd na kung sino man ang me gusto (at me dvd player) ay sa kanya na iyon.
Sa kabilang dako, nakakamiss din pala kayo. Literal na lonely is the night na ang feeling dito, kung hindi brokeback sightings ang malapit sa akin eh IF (imaginary friend) ang tinatabi ko sa akin. Hahay pero hindi ako nagrereklamo ok? Baka meron nanaman magwala diyan at tumaas ang dugo sa 200/150 eh maging kargo de konsyensya ko pa. Huling balita ko eh wala daw plano mag stage ng isa pang refresher course para sa isang tao lang (magastos daw kasi ung trainer babayaran). Well at least top team ulit tayo. ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hay Kevin... sana makabalik na kami jan nang ASAP! hehe magkahiwalay na ba ng shift ang Brokeback? bakit parang nakita ko ata mag isa yung malaki yung tiyan?
ReplyDelete